Nene kasamang nasunog ng bahay

Isang tatlong ­taong gulang na babae ang namatay nang kasamang masunog ng kanilang bahay sa Villaviciosa, Abra.

Nagtamo ng 3rd ­degree burns at patay na nang matagpuan ang biktimang si Violet Fonta­nilla, ng Barangay Tuquib, Villaviciosa.

Napag-alaman na nag­simula ang sunog dahil sa isang kerosene lamp na nasa loob ng dalawang palapag na bahay ng biktima.

Natutulog umano si Fontanilla katabi ang nakakatandang kapatid nito sa kanilang kwarto nang maganap ang sunog.

Nagising ang kapatid ng biktima at nataranta kaya nalimutan siyang itakbo palabas ng bahay kaya nadamay na masunog ang biktima.

Inaalam pa ng mga kagawad ng pamatay sunog ang halaga ng ari-ariang nasunog.