Nestor, 7 pa puro na sa Digmaan finals

Winner vs winner sa LGBA CoY series ngayon — Crisostomo

Ihahatag na sa dinarayong Pasay City Cockpit ang huling dalawang araw ng PFGB Digmaan 11-Stag National Derby ngayon, Biyernes.

Mga miyembro ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) na may 4, 4.5, 5, 5.5 at 6 points ang mga tampok sa 4-stag finals mamaya na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Pinahayag Huwebes ni LGBA President Nick Crisostomo, na pasok na sa grand finals sa Disyembre 16 sa Manila Arena sina ang may Arnold dela Cruz ng AEJ Diego na may 7.0 points at Toto Gregore ng 22 GF na may 6.5 markers.

May 6-1 win-loss record sina Nestor Vendivil na may tatlong entry, Lito Orillaza, Leo Ching, James Uy, Eric Calivoso, Jun Lovendino, Francis Guevarra at Boy Tanyag.

Ilalarga rin ang LGBA Staff 4-Stag Derby na may entry fee na P11,000 sa Pasay Cockpit sa Lunes, Dis. 16.

Sa Linggo, Dis. 15 na ang submission ng timbang.

Makbabataid ng iba pangmga detalye kay Erica sa 0945 4917474, o kay Ace sa 0939 4724206, 8843 1746 at 8816 6750. (Enjel Manato)