Nasolusyunan ng National U ang matinding blocking ng Ateneo sa fifth set bago binura ang two match points para itakas ang 25-21, 19-25, 23-25, 25-18, 18-16 panalo sa Game 1 ng best-of-three finals ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference.
Sa tinaong PhilSports Arena sa Pasig, walang gustong bumigay sa magkatunggali.
Hinambalos ni Aiko Urdas ang tatlo sa huling apat na puntos ng Lady Bulldogs, huli ang tumapos sa long rally na nag-selyo sa panalo.
Puwede nang iuwi ng NU ang titulo kapag nanaig sa Game 2 sa Miyerkules sa parehong venue.
Tatlong beses sinupalpal ni Bea de Leon ang kills ni Jaja Santiago sa bukana ng fifth para ilagay sa unahan ang Lady Eagles 5-0, 6-1 at 8-3.
Pero ayaw bumitaw ng defending champions sa likod nina Santiago, Risa Sato, Jasmine Nabor at Urdas.
“We just showed that we’re not intimidated by the Lady Eagles, unlike when they first beat us,” bulalas ni NU assistant coach Edjet Mabbayad.
Umiskor si Urdas mula sa backrow hit para ibuhol sa 15-15 ang iskor sa fift, sinundan ng isa pa para ilagay sa unahan ang NU, bago ang isang hit sa wing.