NEVER-SAY-DIE NABUHAY!

pba-governors-cup-ginebra-star
pba-governors-cup-ginebra-star
Nasa kaliwa ang kakampi sa Star na si Justin Melton, tinangka ni Rafi Reavis (4) na mag-set ng pick-and-roll pero hindi makawala dahil pigil sa jersey ni Jayjay Helterbrand ng Ginebra. Sa kanan ang nakaabang na si Japeth Aguilar. Umahon ang Gin Kings mula 17 points para ibaon ang Hotshots 116-103. (Jhay Jalbuna)

Buhay na buhay ang never-say-die kagabi, umahon ang Ginebra mula 17 points down sa second quarter, sinuklian pa yun sa pag-abante ng 19 sa fourth tungo sa 116-103 come-from-behind win laban sa Star sa PBA Governors Cup kagabi.

Ang pinakahuling yugto ng Manila Classico sa pagitan ng dalawang teams ay sinaksihan ng 16,460 paying patrons sa Smart Araneta Coliseum.

Ilang araw pa bago ang laro ay sold out na ang tickets, at naging fourth blockbuster ang match sa 2015-16 o 41st season.

Apat sa starters ng crowd darlings ang tumagay ng 13 points above na ginalamay ni Justin Brownlee sa 38.

May 21 si Japeth Aguilar, 14 si Sol Mercado at 13 si LA Tenorio. Humaba rin sa 28 straight conference playoff stints ang all-time record ng Gin Kings.

May mahalagang team-high 10 rebounds at six points si Scottie Thompson na himalang top local rebounder ng team sa kasalukuyan, fourth overall sa liga tapos nina June Mar Fajardo, Calvin Abueva at Asi Taulava.

Nagliliyab ang start ng Star, maging sa first five nito’y ayos din patunay ng 31 points at 13 rebounds ni Joel Wright at 22 markers ni PJ Simon.

“Jason (Webb) had them prepared. They came out prepared, we came out a bit shell-shocked by how well they came out and played this early.

We did a lot of uncharacteristic things,” lahad ni Gin Kings coach Tim Cone. “We talked about staying on the defensive side.”

Naghahabol 49-32 sa dulo ng second, gumana ang fightback ng Kings sa likod nina Brownlee, Aguilar, Mercado at Tenorio. Tumapos ng seven assists si Mercado at may five feeds si Tenorio.

Sadyang para sa Ginebra ang gabi, nilaklak ang  second straight victory para samahan sa Last Eight ang league-leading TNT KaTropa (6-1) at kasalo ng Gins sa second na Mahindra (6-2).

Humaba sa apat na sunod ang pagmukmok sa sulok ng Hotshots na namemeligro nang mapagsarhan sa last trip ng quarters sa pagkabaon sa 11th sa 1-6.