Malamya ang kam­panya­ sa nagdaang season, susubukang bumawi ng Star Hotshots na nagbagong-bihis sa pagtapik ng bagong coach at paghugot ng dalawang top-caliber guards.

Inaasahang ibabalik nina Paul Lee at Jio Jalalon ang dating kinang ng Star. Nakuha si Lee mula Rain or Shine kapalit ni James Yap na matagal na panahong naging mukha ng prangkisa. Si Jalalon ay produkto ng Arellano U at miyembro ng Gilas cadets na hinugot sa special draft.

Balik ang mga datihang sina Marc Pingris, PJ Simon at Mark Barroca, at mukhang handa nang magpapanalo muli ang Hotshots sa 2017 PBA season.

Si Chito Victolero ang pumalit kay Jason Webb bilang head coach.

Kailangan lang daw nilang maghasa sa ­depensa para maibalik ang dynasty ng grand slam team.

“This team can ­defend. We just have to put them on the proper mindset that playing defense is our ­priority,” lahad ni Victolero.

Focus sa palapit na season ang gustong mangyari ni Victolero sa kanyang team.

“This team is very successful. They have an impressive attitude and they know how to bounce back. They’ve already felt the highs and lows, so it’s now up to them where they want to be this year,” aniya.