NEW VS OLD FACES SA PBA OPENING GAMES SA HULYO 19

pba-governors-cup

Mga laro sa Miyerkules, Hulyo 19:
(Smart Araneta Coli­seum)
4:15 p.m. — Kia (Mahindra) vs. Phoenix
7:00 p.m. — Alaska Milk vs. NLEX

Mapapalaban agad ang tigalawang balik-import at newcomers sa twinbill ng 17th PBA Governors’ Cup 2017 – Alaska Milk kontra NLEX at Kia Picanto (dating Mahindra Floodbuster) laban sa Phoenix Petroleum – sa opening ng third and final conference sa Miyerkules, July 19.

Kakaliskisan ni LeDontae Henton na may 6-6 win-loss record sa sixth place finish rito ng Alaska noong isang taon ang bagong saltang si Aaron Fuller ng NLEX sa seven nightcap sa Smart Araneta Coliseum.

Samantalang sa 4:15 afternoon opening kakasa si Eugene Phelps na may 6-4 sa unang playoff stint ng Fuel Masters sa nakalipas na taon ang babangga sa Kia na wala pang import tapos pauwiin ang maliit sa 6-foot-5 na si Brandon Beasley at lumampas naman sa nasabing taas na si Chane Behanan.

Pang-apat na foreign stint ni Fuller, 27, at tubong Arizona ang Pilipinas tapos sa Portugal, New Zealand, at Mexico pagka-graduate ng college sa Iowa Hawkeyes (2008-10)/USC Trojans (2011-13).

Sa pangalawang araw ng hostilidad ng 42nd (2016-17) season-ending conference, tatlong new faces at isang league vete­ran ang tampok sa pagtutuos sa Biyernes, Jul. 21 ng Meralco-Blackwater (4:15 p.m.) at GlobalPort-Rain or Shine (7:00 p.m.).

Fourth tour-of-duty na ni Allen Durham sa pangatlong  taon sa PBA at second straight sa Bolts na kapasiklaban ang UNC-Greensboro, 25 year-old at kumampanya na sa mga liga sa Greece at France na si Trevis ‘Jemar’ Simpson na gigiya sa Elite.

24-anyos, Toledo, Ohio alumnus at Finland at Norway campaigner ang tatrangko sa Elasto Painters na si James Weatherspoon na agad matatapat sa kapwa bagi­to sa liga na pambato ng Batang Pier na si Jabril Trawick ng Georgetown Hoyas, at miyembro ng 2016 NBADL champion Sioux Falls Skyforce at nakakampanya na sa Greek at French leagues.

Unang game ni Justin Brownlee ng defending champion Ginebra sa Linggo, Jul. 23, laban sa Bolts sa 6:45 at ni Isreal league vet Cinmeon Bowers ng Star sa pakikipagbuno ng Hotshots sa Elite sa 4:30.

Mabibinyagan ang Mississippi product at Korean league campaigner Michael Craig ng TNT KaTropa sa laban sa Kia sa Hul. 28 sa Ynares Center, at makikilatis ulit si Wendel McKiness ng SMB  na lumaro na dati sa Alaska’t RoS sa pag­salpok ng Beermen sa Hul. 29 sa Blackwater.