New Year’s resolution: Mag-exercise araw-araw kasama si Bantay!

Maligayang 2020 mga PETmalu!

Ano-ano po ba ang inyong mga New Year’s resolution? Exercise, diet at weight loss? Kung fitness-related ang inyong resolution, hindi po kayo nag-iisa. Ayon sa isang Nielsen Survey noong 2015, ang pangunahing New Year’s resolution ng karamihan ay excercise!

Kaya lang may bad news po ako. Ayon sa Social Wea­ther Survey, 10% lang ng mga Pili­pinong gumawa ng New Year’s resolution noong 2019 ang naging matagumpay. Mukhang mababa ang success rate!

Pero may good news ako. Ang PPET o People Pets Exercising Together Study ng Northwestern Memorial Hospital sa America ay napatunayan na mas successful sa pagpapatupad ng resolution ang mga taong nag-e-exercise na kasama ang kanilang aso kaysa sa mga taong nag-e-exercise nang mag-isa.

Kaya kung gusto mong ma­ging successful sa iyong 2020 reso­lution na mag-exercise, gawin niyong workout buddy si Bantay.

Mga benepisyo ng ehersisyo na kasama si Bantay:

Ang brisk walking ay nagdudulot ng mabuting heart health at mas mababang blood pressure, hindi lang para sa iyo kundi para sa inyong alaga. Ma­liban dito, magkakaroon kayo ng enerhiya, mas matatag na mga buto at magiging mas mababa ang inyong risk for depression.

Sa mga aso naman, ang mga daily walk ay nakakabawas ng mga common behavioural problem tulad ng agresyon, pagtatahol nang walang dahilan at pangunguya ng mga ga­mit sa bahay.

Maaari niyo ring turuan ang inyong aso na mag-jogging kasabay niyo. Mag-search lang sa Google at marami kayong makikitang video kung paano i-train ang inyong aso na ma­ging jogging partner niyo.

Mga paalala:

Magpa-check up muna sa doktor at vet bago magsimula ng kahit na anong exercise plan. Ang strenuous excercise ay maaaring maging masama para sa kalusugan lalo na kung kayo ay may edad na o obese o may problema sa puso o may sakit tulad ng diabetes o cancer.

Ibagay ang antas ng ehersisyo sa laki o liit, breed, edad at pag-uugali ng inyong aso. Hinay-hinay lang ang lakad kapag ang aso mo ay senior doggizen. Kung Shitzu naman ng alaga niyo, ‘wag mong bilisan ang lakad dahil maiksi ang mga binti nila. Common sense lang po!

Walang kapasidad na pa­wisan ang aso. Ito ang dahilan kung bakit sila mabilis ma-heat stroke kaya kailangan niyong obserbahan nang mabuti si Doggy kung siya ay napapagod o nauuhaw na. Palaging magdala ng tubig para sa inyong dalawa.

At ang aking huling paalaala — mag-enjoy at mag-bonding kasama ang inyong aso habang nag-e-exercise!

Happy 2020!

Joyce