Newsome, Meralco binanlian ang Alaska

meralco1

Laro sa Miyerkoles
(Araneta Coliseum)
4:30 pm – Phoenix vs GlobalPort
7:00 pm – Columbian vs Ginebra

Balik sa lupa ang Alaska, naputulan ng seven-game winning streak nang lagukin ng Meralco 89-74 sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi.

Bolts ang nagtuloy ng winning streak sa apat at inakbayan ang biktima sa 7-2 card sa PBA Commissioner’s Cup.

Si Chris Newsome ang bumalikat sa sco­ring ng Meralco sa kinamadang 18 points na isa lang ang nai­mintis sa apat na bitaw sa sa 3-point range, at namigay pa ng 8 assists.

May 14 points si Arinze Onuaku pero nagbaba ng 23 rebounds para sa Bolts.

Depensa ang si­nandalan ng Bolts para kumalas sa third, matikas din ang kontribu­syon ng locals ni Norman Black.

Nagkasa ng 9-0 run ang Meralco, pito rito mula kay Jared Dil­linger, para pabukahin ang manipis na 41-40 lead sa break tungo sa 63-49 edge.

Itinuloy ng Meralco ang pagsakal sa Alaska sa fourth para kumpletuhin ang panalo na nagpalakas sa tsansa nila sa top 2.

Nasa second-third ang Bolts at Aces, sa likod lang ng Rain or Shine (8-1).

“Our defense was exceptional tonight to be able to hold down Alaska,” wika ni Black. “In addition to that, we had balanced scoring.”

Tumapos ng tig-17 sina Dillinger at Baser Amer na may 6 assists pa sa Bolts. Umayuda ng 11 si KG Canaleta at 10 kay Ranidel De Ocampo.

May 25 points at 14 rebounds si Antonio Campbell, nagsumite ng 22 markers at 8 boards si Vic Manuel.

Sa simula ng ikalawang laro, ang Manila Clasico sa pagitan ng Barangay Ginebra at Magnolia, nagsilbi pang analyst ang bumisitang si NBA Rookie of the Year at Utah Jazz shoo­ting guard Donovan Mitchell kung saan nagbigay ng ilang puntos hinggil sa kanyang paglalaro.