NEYMAR, 6 PA SWAK SA 2 WORLD CUP

NEYMAR
NEYMAR
NEYMAR

RIO DE JANEIRO — Pitong players na nagwagi ng gold para sa Brazil sa Rio de Janeiro City 31st Summer  Olympic Games 2016 ang pasok na sa team ni coach Adenor Leonardo ‘Tite’ Bacchi para sa susunod na dalawang World Cup men’s football qualifiers.

Lumaro sa finals sa Maracana Stadium noong Sabado sina goalkeeper Weverton Pereira da Silva, defenders Marcos Aoas ‘Maquinhos’ Correa, at Rodrigo Caio, midfielder Renato Augusto at strikers Neymar da Silva Santos, Jr., Gabriel Barbosa at Gabriel Jesus para ibigay sa host ang unang Olympic gold sa sport.

Wagi ang Brazil kontra Germany sa penalty kicks, kung saan si Neymar ang sumelyo ng panalo para sa gold medal.

Makakalaban ng Brazil ang Ecuador sa Quito sa Setyembre 1 at makalipas ang limang araw ihu-host ng Brazilians ang Colombia sa Manaus.

May nine points ang Brazil para sa sixth place sa kanilang qualifying group. Ang first four ang magkakaroon ng direct spots para sa Russia 2018 World Cup tournament.