Muntik mag-triple-double si Allan Mangahas sa 22 points, 13 rebounds at 8 assists habang may mahalagang 12 markers at 4 boards si Kyle Drexler Neypes nang malusutan ng Binan City Laguna Heroes ang Cebu Sharks, 85-81, Miyerkoles nang gabi sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa Pasig City Sports Center.
Bench ang nasandalan ni Biñan coach Alex Angeles dahil bukod kina Mangahas at Neypes off-the-bench ring nakapagkontribyut si Mark Anthony Acosta ng 13 puntos para sa kambal na ragasa ng team tapos ang 0-2 start at parehasan ang win-loss record ng biktima.
Unang binasag ni Michael Cenita ang basket ng Cebu nang maka-3-pointer para, bago nakontrol ng Laguna ang malaking parte ng game tampok ang biggest 13-point lead sa 5:26 ng second period, 25-12, mula sa two free throws ni JV Orera.
Pero umangas pa ang Visayan squad na nahablot ng manibela sa last 4:05 sa final frame sa magkasunod na basket nina Rhaffy Octobre at Patrick Jan Cabahug, 79-75.
Tuloy ang mga ratratan sa 31-team league mamaya sa mga komprontasyon sa alas-4 ng hapon ng Pasay (2-1)-Imus (1-1), sa alas-6 ng gabi ng San Juan (2-0)-Rizal (1-1), at sa alas-8:30 ng gabi ng Manila (2-1)-GenSan (2-1).