HIndi pa rin nagpapabaya ang National Food Authority (NFA) sa pagbili nito ng mga palay, kung saan nakaipon na ito ng kabuuang apat na mil­yong bag sa loob ng halos limang buwan.

Sa ulat mula sa Grains Marketing and Operations Department (GMOD) ng NFA nagpapakita na mula Enero hanggang May 20, ang ahensiya ay nakabili ng kabuuang 4.025 milyong bag.

Ayon kay NFA OIC-Administrator Tomas Escarez, ang pagbili ng NFA ay nagsimulang bumagal noong Enero na may 155,107 bag, at 123,283 lamang noong Pebrero. Noong Marso, ang pagsisimula ng anihan sa tag-init, ang NFA ay tumaas ang nabili nito sa 994,932 bag, sinundan ito ng 1,804,136 na bag noong Abril. Hanggang Mayo 20, ang kabuuang halaga ay umabot sa 954,142 na bag.

Ang pamumuhunan sa pagbili ng mababang presyo ng palay ng mga pribadong negosyante, ang NFA ay mamimili pa ng higit pa sa taong ito, kum­para sa nakaraang taon ng Enero hanggang Mayo na 71,420 sako na nabili ng 5,636 porsiyento.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang average na farmgate price ng palay ay nana­natili sa P18.45/kg hanggang Mayo 17. Ang antas ng presyo ay P2.53/kg o 12% na mas mababa kaysa sa average na farmgate price (P20.97/kg) ng palay sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ang pinakamataas na dami ng palay na nabili sa taong ito ay iniulat mula sa mga sangay ng NFA sa San Jose, Occidental Mindoro na may 541,865 na bag; Nueva Ecija – 431,792; Isabela – 426,827; Bulacan – 297,506; Tarlac – 205,144; Northwestern Cagayan – Apayao (Allacapan) – 195,500; Mamburao – 169,125; North Cotabato – 167,735; Cagayan – 135,440; at Sultan Kudarat – 99,492.

Sinabi ni Escarez na patuloy na nakatuon ang ahensiya sa agresibong pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka matapos ang paglagda ng batas sa rice tariffication o RA 11203 at ang kasunod na paglagda ng mga Implementing Rules and Regulations (IRR) na mandato ng NFA na ituon sa lokal ang pagbili para sa buffer stocking para sa mga pangangailangan at kalamidad.

Ang NFA procurement program ay tumutulong sa mga magsasaka upang makabawi sa kanilang mga gastos, ngayon na ang karamihan sa mga mangangalakal ay bumaba ng mas mababa sa pres­yo ng suporta ng gobyerno. (Mina Aquino)