Ubos na umano ang supply ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa Ilocos Norte.

Ito ang kinumpirma ni Rosalinda Pante, NFA ­administrator officer ng Ilocos Norte.

Subalit, ayon kay Pante, kaya umanong tustusan ang pangangailangan ng bigas sa nasabing lalawigan dahil nataon ito sa panahon ng pag-aani ng bigas.

Sabi pa nito na sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot pa sa limang buwan ang supply ng commercial rice sa Ilocos Norte.

Sa nakalipas na buwan ng Marso, nasa P42 kada kilo ang presyo ng NFA rice hanggang sa bumaba ito ng P38.40 kada kilo.

Aniya, wala silang magagawa kung itataas ng mga seller ng commercial rice ang presyo ng kanilang bigas.