Hinatulan ng “guilty” ang dating NFL star na si Kellen Wislow Jr. matapos halayin umano ang walang malay na 17-anyos na dalagita noong 2003. Nahaharap siya ngayon sa 18-taong pagkakakulong dahil sa iba’t ibang kaso ng rape.
Nitong Hunyo ay nakulong na si Winslow dahil sa 4 na criminal charges. Muli siyang pinatawag sa San Diego court nitong Lunes, Nobyembre 4 para sa retrial ng kanyang 8 kaso. Napatunayan siyang guilty sa kasong sexual battery at rape of unconscious person.
Kapalit ng kanyang plea, ang 6 pang kaso laban sa kanya ay iniurong. Kung ito’y natuloy ay maaari niya sanang harapin ang habambuhay na pagkakakulong.
Bukod sa rape na nangyari umano noong 2003, hinalay din umano niya ang 54-anyos na babae sa kanyang Jeep nitong nakaraang taon.
Itinatanggi naman ni Winslow ang alegasyong ipinupukol sa kanya at nangakong papatunayang inosente siya. (Ronaline Avecilla)