Nganga ang mga bumabanat kay Shawie

Ay bongga naman ang mga pagpatol ni Mega Sharon Cuneta sa mga basher na tinatawag niyang haters at inggitero.

Literal na kasing ipinagbubuyangyangan ni mega ang kanyang kayamanan mula sa architectural design ng ipapatayo niyang bahay. Pati na ang pag-mention ng iba pa niyang mga ‘mansion and condos’ na anytime daw ay keri niyang lipatan. Idinispley rin niya ang ‘pink’ diamonds na nakakalokang tiyak ang halaga.

She did all those just to show her haters sa social media­ na meron nga silang rason para kainggitan ng sobra ang megastar, na ultimo ang pagtulong sa iba ay kinukuwestyun daw.

Okey lang daw na siya’y i-bash at i-envy ng mga ito for as long as na may mga keri siyang ipakitang ‘yaman’. Siya’y UP there gayung ‘nganga’ ang mga bumabanat sa kanya.

Pinayuhan pa niya ang mga inggitero sa social media na mag-work na lang para man lang makatulong din sa ibang nangangailangan.

Sa totoo lang, nakakalula talaga ang kayamanan ni Sharon Cuneta!()