SAKTO ang timing ng pagkakasama ni JC Santos sa 10 Cosmopolitan Centerfolds this year dahil hot siya ngayon because of JaDine’s newest teleserye, Till I Met You.

Patok sa audience at love ng fans ang pamhintang karakter ni JC sa TIMY na si Ali, kaya bet na bet siya ngayon ng mga girlash at beks.

Pinakita ni JC sa 2016 CosmoMen supplement ang kanyang lean body at six-pack abs.
Sakto pang si James Reid ang cover ng CosmoMen this year, kaya parehong shirtless at labas-abs ang mag-BRO na sina Basti at Ali ng TIMY.

Sayang lang dahil walang magaganap na Cosmo Bachelor Bash this year.

Na-lost tuloy ang chance na makitang sabay na rumarampa sina James at JC bilang yummy Cosmo hunks na may kanya-kanyang paandar at patakam sa stage.

Wagi sana ‘yon kung sabay na rarampa at magmu-moment sa entablado ang JamJ (o BasLi) na parehong naka-display ang kanilang delicious bods.

Siguradong applauded ‘yon tulad ng TomDen moment nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez nang sabay na rumampa ang dalawa sa 2013 Cosmo Bash sa World Trade Center nu’ng kainitan ng pamintaserye nilang My Husband’s Lover.

Nag-moment din sina Tom at Dennis sa Bench 2014 underwear & denim show na The Naked Truth sa SM MoA Arena.

Cute sana kung manonood si Nadine Lustre (na covergirl ng September 2016 issue ng Cosmo mag) at magtsi-cheer sa audience habang nasa catwalk ang JamJ/BasLi, gaya ng ginawa noon ni Carla Abellena for TomDen.

Kaya lang ay ayun… NGANGA ang mga nag-aabang dahil waley this year ang ‘tradisyon’ na hunks parade courtesy of Cosmo.

***

Hindi kami nagtaka na walang Cosmo Bachelor Bash ngayong taon dahil last year pa lang ay may narinig na kaming tsika na tila nahihirapan nang kumuha ng sponsor ang Cosmo at super-effort na sila sa pag-mount ng nasabing event.

At after ng hindi kagandahang Cosmo Bash last year ay nasabi naming parang kailangan na itong ipahinga dahil ‘yun ang pinakachaka sa lahat ng Cosmo Bash na napanood namin.

Bukod kasi sa hindi exciting ang lineup ng Cosmo Centerfolds nu’ng 2015 (except for Derrick Monasterio na pinaka-yummy nu’ng gabing ‘yon) ay sa open air venue ito ginanap, na inulan at nagputik sa MOA Concert Grounds.

Alam nilang tag-ulan ang Setyembre pero nag-open air venue sila, na wala yatang choice dahil ‘yun lang ang na-ex-deal nilang lugar.

Tapos, ang daming male celebs na rumampa ang nahipuan at nadakma ang harapan ng mga hayok sa audience, feeling yata nila ay nasa gay bar sila.

In fairness ay hindi rin biro ang mag-organize ng ganitong event, na kung hindi kami nagkakamali ay 19 years nang ginagawa ng Cosmo.

Two years ago ay rumampa na rito si James Reid as one of the 10 Centerfolds, na nahulog pa siya mula sa stage ng World Trade Center pero hindi niya ininda at parang walang nangyari.

This time ay sobrang sikat na ni James at siya na mismo ang coverboy.

Kaya lang ay sobrang busy niya ngayon, na isa raw sa dahilan ng hindi pagkakatuloy ng inaabangang yearly event.