Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Housing Autho­rity (NHA) Acting General Manager Marcelino Escalada Jr. bilang bagong Secretary General ng Housing and Urban and Deve­lopment Coordina­ting Council (HUDCC).

Pinalitan ni Escalada si Atty. Falconi Millar na sinibak ng Pangulo noong Huwebes dahil sa isyu ng katiwalian.
Ang paghirang kay Escalada ay dagdag sa kasalukuyang tungkulin nito sa NHA.

Pirmado ni Executive Secretary Salvador Panelo noong November 22, 2018 ang memorandum order na ipinadala sa tanggapan ni HUDCC Chairperson Eduardo del Rosario.

Batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, mahalagang maipagpatuloy at epek­tibong maihatid ang serbisyo publiko lalo na sa ginagawang rehabilitasyon sa Marawi City.

Ang secretary ge­neral ng HUDCC ang nagsisilbing secretariat head ng Task Force ­Bangon Marawi kaugnay sa ginagawang rehabilitasyon sa nabanggit na lungsod.

Nauna nang itinanggi ni Millar na tinanggal siya ng Pangulo sa trabaho dahil naghain siya ng resignation letter noong Huwebes ng umaga, Nobyembre 22. (Aileen Taliping)