Nicki Minaj buntis?

Naloka ang mga fan sa tweet ni Nicki Minaj na kalaunan ay dinelete niya. Hinala kasi nila na may kinalaman ito sa pagbubuntis.

Nag-tweet si Nicki Minaj ng “Expecting a” pero binura rin niya ito at pinalitan ng “My bad y’-all.”

Ang inaakala tuloy ng mga fan na buntis siya at pinigilan lamang ang sarili na ianunsiyo. Subalit may ilang nagsasabi na baka teaser lamang ito sa darating niyang album.

Matatandaan na kamakailan ay ikinasal siya kay Kenneth Petty sa Los Angeles. Isang pribadong seremonya ang naganap. Nagkakahalaga pa ng $1.1 milyon ang wedding ring nila.

Hindi naman nakapagtataka kung sakaling simulan na nilang mag-asawa na bumuo ng isang pamilya. Tumatanda na rin ang rapper at sa darating na Disyembre ay 37-anyos na siya. (Ronaline Avecilla)