Hindi pa nagtatagal ang post ni Nicki Minaj ng kanyang pakikipagrelasyon sa bago niyang boyfriend na si Kenneth Petty sa Instagram, heto at may lumabas na hindi magandang balita regarding sa kanyang boyfriend.
Masaya ang singer sa piling ng BF, pero ang kanyang mga fan ay nababahala. Concern sila sa relasyon ng idolo kay Petty dahil may kaso raw ang guy na sex offender sa New York.
Ayon daw sa record ng NY, si Petty ay na-convict ng attempted rape in the first degree nu’ng April 1995.
Nangyari ang insidente nu’ng teens pa si Petty at 16 lang ang girl. Nasentensyahan ng 18 hanggang 54 months na pagkakulong si Petty.
Report pa ng TMZ, four years na nakulong umano sa New York state prison ang lalaki.
May nag-comment na netizen sa larawan nina Minaj at Petty: “Wait y’all calling this man a rapist but it happened in 1994, meaning he was 16 or 17 & the girl was a 16 year old…must’ve been a white girl.”
Nabasa ng singer ang komento at galit siyang sumagot, “He was 15, she was 16… in a relationship. But go awf Internet. y’all can’t run my life. Y’all can’t even run y’all own life. Thank you boo.”