NI: VINIA VIVAR

Isa sa guests ni Matteo Guidicelli si Nico Bolzico sa kanyang Facebook Live na isinagawa last Sunday para sa fundraising project niyang One Voice Pilipinas which aims to provide food for the less-fortunate during the CoVid-19 lockdown.

Nakakatuwa ang kanilang kuwentuhan dahil umabot sa puntong tinanong ni Nico si Matteo kung buntis na ang asawa nitong si Sarah Geronimo.

Sa simula kasi ng kuwentuhan ay tinanong ni Matteo ang Argentine husband ni Solenn Heussaff kung ano ang strategy nito sa pagiging amazing father.

Kaaliw na sagot ni Nico, “I’m pretty good at it like I’m a pro already.”

Kapapanganak lang ni Solenn last January at dalawang buwan pa lang ang kanilang baby girl.

Dagdag ni Nico, “two things – you let them be. You give them freedom to do whatever they love, whatever their passion is, just don’t let any boy get close. That’s the only thing, no boys around.”

Pagkatapos nito ay tinanong ni Nico si Matteo, “are you planning to have a kid, Matteo?”

Sagot naman ng aktor, “whatever, if God gives us something, you know, it would be amazing. But as of now, we have to enjoy each other, because it’s the first time we’re really actually together after six years.”

Tanong ulit ni Nico, “are you tellis us, Sarah’s pregnant?”

Natatawang sagot ni Matteo, “no, no.”

Napa-“oh my gosh” naman si Kian Cipriano na co-host ni Matteo sa nasabing live streaming.

Humingi rin ng advice si Matteo kung paano maging mabuting asawa at sagot naman ni Nico, “it’s very, very simple, just do whatever your wife tell you to do. You cannot go wrong with that.”

Hahaha!

Samantala, sa halos 5 hours na live streaming nina Matteo at Kian ay naka-raise sila ng 8M kaya naman lubos silang nagpapasalamat sa lahat ng nag-donate.