Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

EXCITED si Solenn ­Heussaff sa pagkaka­sama niya sa bagong season ng Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes.

Kilala si Solenn sa pagiging sporty at physi­cally active, kaya ­looking forward siya hindi lang sa drama at comedy part ng ARH kundi lalo na sa action.

Gusto ni Solenn ‘yung eksenang nakikipag-boxing siya, na astig and at the same time ay medyo sexy.

In real life ay nagbu-­boxing at ­kickboxing ang Fil-French Kapuso hottie.

Bet din ni Solenn ‘yung nakikipagbug­bugan siya na para ­siyang lalaki. ‘Yung hindi feminine ang dating.

Binanggit namin sa kanya ‘yung kaastigan ni Charlize Theron sa pelikulang Atomic Blonde, pero hindi niya pala ito napanood.

Nang ikuwento namin sa kanya kung paano makipagbasagan ng mukha si Charlize sa movie ay papanoorin na raw niya ito agad-agad.

Magiging bagong babae sa buhay ni Pepe (Dingdong) ang karakter ni Solenn na si Iris Lizeralde.

Expected na ni Sos na may love angle, may awayan at may kissing scene.

Paano kung ma-link siya kay Dong kahit pa alam ng lahat na pareho na silang may asawa?

“#1, I don’t think mangyayari. And #2, it’s ­typical showbiz na may ganyan. Whatever happens, ­happens. Wala akong magagawa sa isip ng mga tao.

“If not, si Nico (Bolzico, husband niya), ­pupunta nang naka-motor. ‘Anong sabi n’yo?’ But no one will take him seriously! Ha! Ha! Ha!” tawa ng sexy GMA actress.

Dugtong niya, “But I think the cast is ­professional. I don’t think any issues will occur na gano’n.”

Personally, ano bang dating sa kanya ng Kapuso Primetime King na si Dong?

“Well, mabait siya. I mean, I’ve never gotten to really know him. Lagi ko siyang nakikita sa GMA, hi-hello, gano’n.

“But from what I heard from many people, napa­kabait niya sa maraming tao.

“So, it’s always good to have a leading man who’s someone that’s supposed to set a good ­example din.”

Nakangiting sey ni Sos, sa Encantadia ay main cast din ang karakter niyang si Cassiopeia, pero dito sa Alyas Robin Hood ‘yung first time na nasa foreground siya ng poster kaya lalo siyang na-excite.

Natatawang throwback trivia sa amin ni Solenn, first time nilang magka­trabaho ni Dong ay 2011 pa, sa isang episode ng horror-comedy series ng GMA na Spooky Nights.