Hindi inaasahan ni Nicole Kidman, 51, na magkakaroon ng season 3 ang HBO series nila ng co-star na si Reese Witherspoon ang Big Little Lies.
Sa TV series na ito nanalo sa Emmy si Kidman bilang si Celeste Wright sa first season ng BLL.
Sa interbyu ng variety sa actress, hindi raw niya aakalaing ang stellar cast ng Big Little Lies ay mawawala sa third season.
Ani Kidman: “I think it would simply be hard to get the whole group together.”
Dugtong pa ng actress, gusto pa rin naman daw nilang gawin kung magkakaroon nga ng season 3.
Kaya lang daw hindi pa nai-ere ang Big Little Lies II which is kasama na nila si Meryl Streep na in-anticipate nilang mapapanood sa Spring after na naging hit ang season 1
Pumasok ang character ni Meryl Streep sa second season base sa istorya ng original author na si Liane Moriarty, bilang mother-in-law ni Kidman.
Sinabi ng actress na pumirma sa kontrata si Streep without reading a script.
Eksplika ni Kidman, nu’ng gabi ng Golden Globe, pagkatapos nilang manalo for Best TV limited series, siya at ang co-producer with Reese around, ay nakatanggap ng e-mail mula kay Streep.
Nakasaad sa e-mail, “I suppose now I have to join you.” Na-shock daw silang dalawa ni Reese.
Marami raw silang naging eksena ng Devil Wears Prada actress at inamin niyang ninerbyos siya nang husto kapag nakakaharap si Streep.
“I was terrified. You’re acting opposite the great one,” lahad niya.
Dagdag pa niya: “I get nervous anyway – but to be opposite her and not want her to think, ‘Who is this amateur?’ And also, we want to deliver a series for her that she’s great in. Reese and I were like, ‘We want this for her and for the other women.’”
Sa isip-isip ni Kidman, ‘bakit hindi na lang daw ginawang trilogy, dahil ang bawat parte ng magkaeksena sila ng mahusay na actress (Meryll) ay malaking impact sa kanya (Kidman).
Pag-amin pa ni Kidman na ang worst critic niya ay ang kanyang sarili pagdating sa performance niya sa Monteray-based drama. Baka nga raw ang second season ng BLL ang pinaka-commercial na nagawa niya sa buong karera niya sa industriya.
“When I saw the therapy scene, which people really responded to, I thought I was terrible. And everyone was like, “No, no!” I think it was because I felt too exposed and vulnerable. It was probably too much for me to see,” pagtatapos ni Kidman sa Variety.