Nicole: Lahat may katapusan

Hindi na pang hihinaan ng loob at handang bumangon si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon ngayong kasagsagan pa rin at mahiugit dalawang buwan na ang coronavirus pandemic sa bansa.

Positibo lang ang pananaw ngayon ng BanKo Perlas Spikers player kahit pa hindi parin humuhupa ang global outbreak dulot..

Sa Instagram post, nanindigan ang 24 na taong-gulang, may taas na 5-6, team skipper at veteran outsikde spiker, na malalagpasan pa rin ng bawat isa ang pagsubok na kinakaharap ng daigdig.

“Lahat ng bagay ay mayroong hangganan,” sambit pa nang balingnitan at magandang dalaga.

Giniit ni Tiamzon, “Kahit na ‘yung mga pinagdadaanan natin ngayon. It will end soon! Maniwala ka lang. Yakap at ngiti para sa iyo kapatid.” (Janiel Abby Toralba)