Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
5:00 p.m. — RC Cola-Army vs. F2 Logistics
7:00 p.m. — Foton vs. Petron

Hindi nagustuhan ni Petron super import Stephanie Niemer ang nabas­a niya sa Instagram account ni Foton ­reinforcement Lindsay Stalzer.

Sinabi ni American spiker Stalzer: “We will beat you”.

Sisindihan ng Tornadoes at Tri-­Activ Spikers ang best-of-three championship series ng 2016 Philippine ­Superliga Grand Prix simula ngayong araw sa The Arena sa San Juan.

Ayaw patulan ni Niemer ang ­sinabi ni Stalzer sa social media.

“We’ll just see what happens on Thursday,” komento ni 27-year-old Niemer.

Dalawang beses tinalbos ng Tornadoes ang Petron sa preliminary round.

“We are the underdogs but it’s hard to beat a team three times so I think that will work on our advantage,” ani Niemer.

Naniniwala rin si Niemer na mas may bentahe sila pagdating sa fighting spirit.

“I think our edge is we have a lot of heart that’s gonna carry us through,” sabi ni Niemer.

Makakatulong ni Stalzer sina reinforcement Ariel Usher at magka­patid na 6-foot-5 Jaja at 6-foot-2 ­Dindin Santiago.

Bukod kay Niemer, sasandalan ng Tri-Activ Spikers sina Aiza Maizo-Pontillas, import Serena Warner at Frances Molina.