Mga laro bukas:
(Filoil Flying V Center, San Juan)
2:00 p.m. – PLDT vs Foton
4:15 p.m. – Cignal vs Generika-Ayala
7:00 p.m. – United VC vs F2 Logistics

Kumayod si import Stephanie Niemer ng 17 points mula 11 attacks, limang service aces at isang block upang pahabain ang winning streak ng defending champion Petron Blaze Spikers sa walo sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix elims.

Nanatiling walang dungis ang karta ng Blaze Spikers matapos kalusin sa straight sets ang Foton Tornadoes, 25-20, 25-13, 25-11 Martes ng gabi sa Filoil Flying V Center, San Juan City.

Kahit nagpalit ng import ang Tornadoes at nagdagdag ng matin­ding armas ay sumadsad pa rin sa ilalim ng team standings karay ang 1-7 karta.

Pinalitan ni Milagros Collar si Selime Ilyasog­lu ng Turkey habang nagbalik sa Foton si DinDin Santiago-Manabat na naging import ng Toray Arrows sa prestihiyosong V.Premier League sa Japan.

Nag-ambag si Petron import Katherine Bell ng 11 kills at tatlong blocks para ilista ang 14 puntos sa event na inisponsoran ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Kumana sina Collar at reinforcement Courtney Felinski ng 12 mar­kers habang bumakas si Mina Aganon ng 10 pts. para sa Foton.