Nietes Nantapech Pinoy Pride
(L-R) IBF fight supervisor Fritz Gaston, Donnie Nietes, Komgrich Nantapech ng Thailand at ALA Boxing Promotions President Michael Aldeguer. (Philboxing)

Puntirya ni WBO Light Flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes na sikwatin ang bakanteng IBF flyweight crown, kaya naman haharapin nito si Komgrich Nantapech ng Thailand sa ‘Pinoy Pride 40: Do­mination,’ sa Sabado ng gabi sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.

May kartang 39-4-1, 22KOs si Nietes, pakay nitong tuklawin ang korona ng 112-lb division para isama sa koleksyon niya na kinabibilangan ng sinturon sa WBO Inter-continental Featherweight division.

Iniwan ni Nietes ang Light Flyweight division na pinagharian niya mula 2004 hanggang 2015.
Sakaling pataubin ni Nietes si Nantapech (22-3; 15KOs), ito ang ikatlong dibisyon na hahawakan niya.

Bukod kay Nietes, aakyat na muli sa ring ang kanyang stablemate sa ALA Boxing Gym na si Mark ‘Magnifico’ Magsayo (15-0; 11KOs), makakalaban niya ang beterano mula sa Tanzania na si Issa Nampepeche (24-7-4; 11KOs) sa undercard ng ‘Pinoy Pride 40: Domination.’

Nasa 16th ang ranking ni Magsayo sa lahat ng mga featherweight sa buong mundo, habang number one naman sa mga Pilipino.

Target niyang maka-angat sa rankings at makakuha ng laban para sa kampeonato pero kailangan nitong talunin ang Tanzanian boxer sa 10-round match nila.