HINDI nagpatalo sa celebrity babies ang three-year old son nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na si Pele dahil my endorsement na ito kasama ang celebrity parents niya.

Ini-launch sila bilang brand ambassadors ng Super Twins Premium Baby Diapers na dating ginagamit ni Pele, pero ngayon ay gamit na niya ang New Super Twins Easy Wear Baby Pants.

Doon sa launch nito kamakailan ay ibinalita ni Jolens ang gagawin nilang pelikula ni Marvin Agustin.

Natutuwa siya sa fans nila dahil nag-mature na sila.

Kahit alam na asawa niya si Mark at may Pele na sila, at meron na ring kambal si Marvin, nandiyan pa rin ang kilig sa kanilang loveteam.

Parang may sariling mundo sila na kapag sila ni Marvin ang magkasama, nandiyan pa rin ang kilig gaya noong bagets pa sila.

Ani Jolina, “Siguro, ngayon, ang fans namin ni Marvin, alam nila na kapag kami ni Marvin, mundo namin.

“Pag magkasama kami ni Marvin, may sarili kaming mundo na magpapasaya sa kanila.
“Pero kapag buhay family, iba rin. At respeto na rin sa amin ng mga fans, at respeto rin kay Marvin.

“Kasi, may anak na din siya, eh. Saka alam na ng mga fans ngayon eh na ganu’n talaga,” masayang pahayag ni Jolina.

Hindi isyu iyun kay Mark dahil minsan ay pinaglalaruan din niya ang sarili na ipinapakilala siyang si Marvin Agustin.

Ani Mark, “Natatawa na lang ako. Kahit minsan, ang sarili ko, niloloko ko, eh.
“Kapag minsan sa gig ng Rivermaya, ini-introduce ako as Marvin Agustin.

“Kaibigan ko rin naman ang mga fans nila.”

Hindi pa alam ni Jolens kung kailan sisimulan ang pelikulang pagsasamahan nila ni Marvin.
Alam na nila ang kuwento, pero hindi pa na-finalize ang ilang detalye.