WALEY: Astang First Lady si Niña Jose sa two-week celebration ng fiesta sa Bayambang, Pangasinan.

Itsurang mayordoma sa town fiesta ang maybahay ni Bayambang Mayor Cesar Quiambao.

Nataong baon sa utang ang pamilya ni Niña noon nang mag-showbiz siya at naging FHM Covergirl.

Napanood si Niña sa mga programang Da Adventures of Pedro Penduko, My Girl, Lipgloss, Banana Split, Nagsimu­la sa Puso, Valiente, at Kidlat.

Lumabas din si Niña sa mga pelikulang Shake, Rattle and Roll X & XII, Mano Po 6, Desperadas 3, Aswang, D’Kilabots, at Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Isang hindi malilimu­tang anecdote ay ang minsang major event sa Araneta Coliseum na isa si Niña Jose sa performers. Umeksena ang nanay nito at itinanong sa usher, “Hindi mo ba ako kilala? Mommy ako ni Niña Jose!!!”

Hindi nakapagsalita ang pobresitang usher.

Ngayon, malamang na kilalang-kilala na si Mommy… sa Pangasi­nan!

***

HAVEY: 70th birthday ngayon ng magaling na direktor na si Mike de Leon.

Katatapos lang niya ng kanyang bagong obra na Citizen Jake tampok ang journalist na si Atom Araullo sa lead role, na intended for this year’s Metro Manila Film Festival.

Noong una, sinasabi na itong Citizen Jake ang magiging huling obra ni Maestro Mike de Leon pero katulad ng sinabi niya sa isang kuha niya with Luis Alandy, ang Pony Boys ng Wright Park “could be a more interesting story than Citizen Jake and a great chance to shoot again in Baguio.”

Balik-Baguio today si Direk Mike kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan para mag-celebrate ng kanyang 70th birthday.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

2 Responses

  1. TOTOO BA NA SI INIGO PASCUAL AY HINDI TUNAY NA ANAK NI PIOLO PASCUAL ITO DAW AY ANAK NG KAPATID NA BABAE NI PIOLO PASCUAL SA PAGKA DALAGA…TSK TSK TSK KAYA PALA DI SILA MAGKAMUKHA NI PIOLO HAYYYY SHOWBIZ TALAGA NO…