Game 2 bukas (Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. — Alaska vs. Meralco
Napatayo ni Alex Compton ang kanyang mga sundalo mula sa third quarter 10 points down at ninakaw ng Alaska ang 97-94 come-from-behind win laban sa Meralco sa opener ng kanilang Oppo-PBA Commissioner’s Cup best-of-5 semifinals duel kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Maaari pang makahirit ng overtime ang Meralco sa last two seconds ng ballgame tapos ng two missed free throws ni Rob Dozier, pero kabyos ang desperadong 3-point attempt sa buzzer ni Ronjay Buenafe at nagpa-mala-fiesta pagkaraan sa bench ng Alaska para sa celebrations.
Sa matabang na performance ng former Best Import na si Dozier, si RJ Jazul ang naging palabigasan ng Alaska sa binangas na team-high 18 points sa 6-of-9 shooting na sinangahan pa ng 3 steals, 2 assists at blockshot sa 28:25-minute job.
May 15 points si Calvin Abueva , 13 si Cyrus Baguio at 10 si Chris Banchero sa pagtapal sa pitong puntos at walong rebounds lang ni Dozier sa halos 32 minutes. Nabale-wala ang season-low 31 rebounds ng team.
May 9 seconds sa laro at naiiwan ng tatlo ang Bolts, napakawalan naman ni Cliff Hodge ang bola mula sa pasa ni Jimmy Alapag at bumalik sa kabila ang posesyon na nagresulta sa sablay na huling freebies ni Dozier.
Ninakaw ng Alaska ang panalo sa kabila ng season-best 56% field goal shooting ng Meralco.
“We got to be tough physically and mentally to win this series,” komentaryo ni Alex Compton sa post game interview. “I told our guys this will gotta be a tough series.”
May 11 points at 18 rebounds si Arinze Onuaku sa Bolts, may apat pang local teammates ang naghatid ng 11 markers above. May 21 si Reynel Hugnatan, 14 si Cliff Hodge, 12 si Jared Dillinger, at 11 si AJ Caram.
Sa jumpero ni Onuaku ay umagwat ang Bolts sa 53-43.
“RJ’s been great, he’s a character kid, he’s tough. Him and Chris, they’re a tag team,” papuri ni Compton sa dalawa niyang kawal na nagtulong para balikatin ang team. (Ramil Cruz)