TRICKS ang ginamit na word ni Iza Calzado para i-describe ‘yung ginawa ni Direk Jerrold Tarog para magmukhang totoo ‘yung eksenang meron siyang nudity sa most da­ring movie niyang Bliss.

Hindi raw siya gumamit ng prosthetic boobs para sa eksenang ‘yon, pero may tricks si Direk Jerrold para maitawid ang crucial scene na ‘yon sa bandang en­ding ng pelikula.

Ayon kay Iza nang makausap siya ng media after ng press preview ng Bliss sa Gateway Ci­neplex, nang mag-audition siya for the role ay hindi niya alam na gano’n.

Nang gawin na nila ang movie, wala siyang reservations dahil lahat ay napag-usapan nila ni Direk Jerrold at may mga paraan para magawa ‘yung mga gano’n, na nagawan nila ng paraan.

Ani ni Iza, maganda ang materyal at kakaiba ang tema ng psycho-thriller na Bliss kaya na-excite siya rito.

Kakaiba ito sa mga ginagawa niya na lagi na lang serious at mabait. Gusto niya ring ma-break ang ‘Mama Mary mold’ na tinatawag at nagawa niya ‘yon sa indie film na ito.

Aminado ang magandang aktres na sobrang kabado siya bago niya ito napanood sa Osaka Filmfest sa Japan dahil hindi niya alam kung anong kalalabasan nito.

Aniya, shocking ‘yung kanyang nude scene dahil white light pa man din ang ginamit na ilaw.

At siya mismo ‘yung nasa screen kahit pa sabihing may tricks na ginamit doon dahil wala siyang body double.

Saka na niya sasa­bihin kung ano ‘yung ‘tricks’ na ginamit ni direk o baka sa DVD nila ito ilagay.

Ang main concern ni Iza pagdating sa nudity ay ang endorsements niya, pero nagawa niyang sabihin sa mga ito kung anong gagawin nilang tricks sa movie kaya hindi nagkaproblema.

Sabi ng 34-anyos na aktres, internationally ay hindi isyu ang nudity dahil trabaho ito.

At hindi niya ito ginawa dahil gusto niyang isipin ng mga tao na isa siyang naghububad na aktres. Kinailangan tala­ga para sa specific shot na ‘yon.

Naniniwala si Iza na mature na ang fans niya para malaman na work lamang ito.

Isa pa ay hindi na siya 19 o 25 years old. At in fairness to her, sa totoong buhay, wala raw siyang ginawang eskandalo o sex video o kung anuman.

Napanood na ng boyfriend niyang si Ben Wintle ang Bliss at bilang fo­reigner ito at very open-minded ay walang pa­kialam si Ben sa nudity.

Natatawang sey ni Iza, super supportive si Ben na ‘pag nakakakita ito ng kissing scene ay tatawa pa.

Kasi, alam nito na trabaho niya ‘yon at hindi siya pipigilan nito na gawin ang kahit na ano.

So, masaya siya na ganu’n ang nobyo niya, nauunawaan siya at sinusuportahan ang trabaho niya.

Nakakaaliw ‘yung binuking ni Direk Jerrold na ang reaksyon ni Ben after mapanood ang mo­vie ay mas maganda ang nipples ni Iza in real life!

***

May tema ng sexual­ abuse at katombo­yan ang Bliss.

Ani ni Iza, sana ay suportahan ng LGBT ang pelikula dahil maganda ang tema nito at hindi dahil may girl-to-girl action na mapapanood dito.

Hirit namin kay Izadora, swak sa kanya ang role ng bidang si Jane Ciego dahil sa totoong buhay ay hindi lang kalalakihan ang nabibighani sa kagandahan niya kundi pati mga katomboyan.

Meron na ba siyang expe­rience with a lesbian na medyo creepy ang dating?

“Wala. Maybe because lagi akong may boyfriend,” pakli niya.

Wala rin siyang matandaan na nagparamdam sa kanya na lesbian dahil medyo manhid siya sa ganu’n at mahina ang gaydar niya.

Sakaling may manligaw sa kanyang lesbian, anong gagawin niya?

At anong mas pipiliin niya, ‘yung lipstick lesby o ‘yung manly lesby?

“Okey, sabihin na natin na interested ako, because obviously I’m not. I’m in a relationship with a guy.

“But you know what? You’re a human being. You’ll never know, ‘di ba? You fall in love with a human being.

“So, even with lesbians, I can’t say which one I would fall in love with because at the end of the day, you fall in love with the person, not the sexua­lity,” wapak na sagot ni Iza.

Inamin ng aktres na medyo nag-alala siya nang mabigyan ng X-Rating ang Bliss dahil gusto niya itong mapanood ng lahat sa kabuuan nito.

“Naisip ko rin, ‘Uy finally, porn star na ako!’ Joke!! Ha! Ha! Ha!

“Naayos naman at pinakinggan kami ng MTRCB.

“Binigyan nila kami ng rating na R-18 without cuts.”

Sa Mayo 10 ang showing ng Bliss sa mga sinehan nationwide.

2 Responses