Nisperos dinamay ang pamilya sa TikTok

Nisperos dinamay ang pamilya sa TikTok

DAHIL tengga sa kani-kanilang bahay ang mga atleta matapos ang Luzon-wide ECQ dulot pa rin ng pandemic COVID-19, sa TikTok idinaan ni Ateneo Lady Eagle rookie Faith Nisperos ang kanyang pampalipas oras.

Pero hindi pa-kikay o solo performance ang peg nito dahil maging ang kapamilya niya’y hinatak niya sa pagsasayaw kung saan nitong Abril 16 ay pinagdiwang din nila ang birthday ng kanyang kapatid.

Sa video ay makikitang naki-join at aliw na nag-TikTok ang kaanak ni Nisperos na pumuwesto pa sa unahan.

Sa ngayon ay umani na ng 6k likes ang nasabing video.

Si Faith ay bagong outside hitter ng Ateneo Lady Eagles at kilala bilang rookie matapos ang unang salang nito sa UAAP women’s volleyball season 82 na naudlot matapos ang paghaba ng ECQ sa Luzon. (AE)