Nilapa ng reigning girls champion National University Bullpups ang University of the East Lady Warriors 25-18, 25-18, 25-13 upang kalsuhan ang kanilang two-game slide sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa FEU-Diliman Gym Linggo ng hapon.
Bumira si Faith Nisperos ng anim na service aces upang ilista ang 11 points habang nagtala si reigning MVP Mhicaela Belen ng nine hits at limang digs upang tulungan ang Bullpups na tapusin ang eliminations bilang No. 1 team, kapit ang 10-2 card.
Nakapagtala rin ng 10-2 record ang De La Salle matapos silang saklolohan ni Angel Canino.
Tumipa si Canino ng 16 hits, nirehistro naman ni Alleiah Malaluan ang 16 markers para sa Junior Lady Spikers na kinalos ang Far Eastern University-Diliman, 25-22, 25-15, 23-25, 25-16.
Subalit uupuan ng La Salle ang No. 2 spot dahil mababa ang kanilang match points.
Pininta naman nina Renee Lou Penafiel ang 17-point, 16 puntos at pitong digs ang tinulong ni Imee Hernandez para sa University of Santo Tomas na pinagulong ang Adamson University 25-23, 25-22, 25-18.