Aminado si coach Yeng Guiao na marami pang kailangang idagdag sa kanyang bagong team bago maging contender, pero hindi niya iniisip na pupunan ito ng dati niyang koponang Rain or Shine.

“Hindi ko inaasahan ‘yun,” pakli ni Guiao hinggil­ sa posibilidad na maglipatan para maging Road Warriors ang ilan niyang dating hawak na Elasto Painters.

“Right now, my main focus is on shaping this team into one more to my liking from the inside or from the draft or even trades with other teams,” dagdag ni Guiao. “Pero ‘yung mga dati kong players joining me? Mukhang malabong mangyari ‘yun. Baka lalong sumama loob sa akin ng mga dati kong bosses.”

Pagkatapos ng anim na taon sa E-Painters na giniyahan niya sa dalawang titulo at siyam na sunod­ na semifinals appearances, tumawid si Guiao sa Road Warriors.

Para kay Guiao, kailangan ng matinding balasahan­ sa NLEX bago makuha ang immediate goal niya na makapasok kahit semis.

“This team has been in the quarterfinals before, so making the semis would be a good enough goal for the coming season,” lahad ni Guiao.

Naiparating na sa management kung ano ang gusto niyang maging itsura ng team: “That it should be a running team, a three-point shooting team, that the bigs must play inside-outside. So they have to develop their skills accordingly.”

Balak ding ayusin ni Guiao ang dami ng players ng bagong squad.

“Meron kaming listahan ng mga expiring. Mga five or six, pero ‘di sila ang core. ‘Yung cone ­napapirma na yata bago ako dumating. More of mga practice players. We have to determine who to keep. We have to make a decision,” aniya.

One Response