Mga laro mamaya: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Meralco vs. Phoenix Petroleum
6:45 p.m. — Blackwater vs. NLEX
Magtatayo ng panibagong winning streak ang NLEX sa pangalawang senaryo samantalang una para sa Blackwater sa pangunguna ng kanilang mga masisipag na imports sa pagbabalik ng mga aksyon sa PBA Governors’ Cup elims sa Smart Araneta mamaya.
Hangad ng nasa second spot na NLEX (5-1) na sundan ang 100-94 upset win sa Meralco noong Linggo bilang pagtayo mula sa 97-110 loss sa defending champion Ginebra noong Aug. 5.
Nais din ng nasa 10th na Blackwater (1-3) ng magkasunod na pambubulaga mula sa nagawang 92-86 victory sa eight-running Phoenix Petroleum (2-3) magdadalawang linggo na ang nakalilipas.
Tampok sa Road Warriors ang reunion ni coach Yeng Guiao sa dati niyang mga players sa Red Bull na sina newly acquired Cyrus Baguio at nauna lang sa huling pumasok na si Larry Fonacier.
Dehado ang Elite sa pagkawala ni Mac Belo na pinahiram muna sa Gilas Pilipinas na kakampanya sa 29th Southeast Asian Games 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Aug. 19-30. Pamalit muna sa kanya ang ni-reactivate na si Tristan Perez.
“We need these guys to mentor our young players. We need experience, leadership, and knowledge of basketball because alam namin magkakaroon ng overlapping ‘yung young and old players namin,” klaripikasyon ng nakapitong titulo na sa liga na si Guiao sa pagkuha kay Baguio sa 3-player-3-team trade noong Martes.
Nagmaniobra si Aaron Fuller ng 25 points at 18 rebounds sa huling sabak ng NLEX samantalang bumakbak si Henry William Walker para sa Blackwater sa pagbabalik-PBA ng 32 pts., 15 reb.s at 5 assists.
Babawi naman ang Bolts mula sa pagkalagot sa 4-game winning run laban sa Fuel Masters na ayaw nang humaba pa ang losing skid sa 4 din.