NLEX PRENO SA SKID

Hindi binigyan ng puwang ni Henry Walker (kaliwa) ng NLEX na makaatake si Joel Wright (kanan) ng Star. Binundol ng Road Warriors ang Hotshots, 88-85. (Jhay Jalbuna)

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
3:00 p.m. — Blackwater vs. TNT Katropa
6:45 p.m. — Rain or Shine vs. Alaska

Sa likod ng double-double jobs nina Henry Walker at Asi Taulava, binundol ng NLEX ang Star, 88-85, at kinalsuhan ng Road Warriors ang three-game skid sa PBA Governors Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinaluhan ng NLEX ang Phoenix sa two-way tie sa seventh place sa identical 2-3 cards.
Pinabalik sa lupa ng Fuel Masters ang Mahindra, 100-94, sa first game.

Laglag ang Enforcer­ sa second kabuhol ang idle Ginebra sa 4-2.
Lugmok mag-isa sa 11th ang Star sa 1-4.

Nagpader si Walker ng 32 points at 11 rebounds, ang Ageless Warrior na si Taulava ay may 10 at 13 at nasundan ng NLEX ang 96-90 victory sa Blackwater halos isang buwan na ang nakakaraan.

“I appreciate my players for this, they played hard to come back from three losses,”­ ani Road Warriors coach Boyet Fernandez, na nakakambyo pa ng 15 points kay Garvo Lanete at 10 mula kay Jonas Villanueva.

Na-snatch pa ng Hotshots ang manibela, 76-75, sa split free throws ni Marc Pingris 5:31 sa game clock. Pero kinamada nina Walker, Taulava at Villanueva ang 13-9 attack sa endgame para mapreserba ang W.

Sa kanyang debut game, pumitpit ng 28 points at 15 rebounds ang NBA D-League vete­ran na si Joel Wright na ­pumalit kay Marqus Blakely sa Hotshots.