No. 3 drug suspect sa Baguio todas

dead-body

Patay ang itinuturing na No. 3 Level 1 drug personality na nasa watch list ng Baguio City Police makaraang manlaban umano sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Muller Subdivision, Crystal Cave, Bakakeng Central ng naturang siyudad kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Ryan Almora, nasa hustong gulang at residente ng Baguio City, na kinasahan umano ang mga operatiba nang makatunog na isang pulis ang kanyang katransaksyon sa droga.

Sinubukan ng suspek na manlaban pero inuna­han ito ng mga pulis at binaril nila ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Narekober mula sa suspek ang hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu, ilang drug paraphernalia at caliber .22 magnum revolver.