Hindi na puwedeng mag-deliver sa araw ng mga merchandise sa mga shopping malls sa Metro Manila at iniurong na rin ng Nobyembre 1 ang mga ‘sales’ upang makabawas sa mabigat na daloy ng trapiko sa buwan ng Kapaskuhan.
Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay base sa napagkasunduan nang magpulong ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) at mga owners ng shopping malls sa Metro Manila.
Nabatid, na simula ng alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ang delivery ng mga merchandise na papayagan makabiyahe.
Bukod, dito sa halip na sa Oktubre 21 ay sa Nobyembre 1 ng taong kasalukuyan ipatutupad ang ‘sales’ sa mga shopping malls sa Metro Manila, na tuwing Sabado at Linggo lamang ito puwede.