Pasensiyahan na lang, kung may unliquidated ang 1 national sport association, hindi na talaga ito makakakuha ng financial assistance mula sa Philippine Sports Commission epektibo sa papasok ng buwan ng Enero.
Pinabatid ang patakaran ng PSC ng board of commissioners sa isang presscon kamakalawa na pinangunahan ni Chairman William Ramirez kasama sina Commissioners Ramon Fernandez, Arnold Agustin, Charles Raymond Maxey at Fatima Celia Kiram sa PSC conference room sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila.
At ilang oras matapos ang okasyon, nakipag-meeting si Ramirez kay Philippine Olympic Committee president Victorico Vargas para ipabatid ang bagay na maigting na tinutulak ng Commission on Audit kaakibat ang pag-aayos ng PSC at POC sa mga nag-aagawan sa liderato na NSAs.
“The PSC has been lenient with NSAs with liquidation and unity problems this year despite the no liquidation no funding policy but we warned them that the policy will be implemented next year,” babale ni Ramirez.
“The COA is already urging us to strictly to implement it’s no liquidation no funding policy immediately.”
Nakaradar ulit sa 2 lider ang muling patuloy na pag-uusap para sa mga may problemang NSA matapos ang naunang talakayan 2 linggo na ang nakararaan kung saan 8 NSAs ang mga nakausap mula sa dragonboat, swimming, lawn tennis, table tennis, volleyball, bowling, taekwondo, at weightlifting.