‘No Martial Law extension’ sa Mindanao pag-iisipan ni Duterte

Ikukonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtutol ni Defense Sec. Dalfin Lorenzana para sa extension ng Martial Law sa Mindanao.

“That will be considered by the President. The President always says that he will defer to the advice and recommendation of those on the ground,” sabi ni Presidential Salvador Panelo sa media briefing.

Ang ikatlong extension ng Martial Law sa Mindanao ay magtatapos sa Disyembre 31, 2019.

Sa isang interview, sinabi ni Lorenzana na hindi niya irerekomenda ang pagkakaroon muli ng extension ng Martial rule sa rehiyon.

“We are waiting for the recommendation of the Armed Forces at saka ‘yung PNP depende sa kanilang recommendation but kung ako lang, I will not recommend anymore the extension,“ sabi pa ng kalihim sa mga reporter.

Idineklara ni Pangulong Duterre ang Martial Law sa Mindanao noong May 23, 2017 makaraan ang paglusob ng Maute Group sa Marawi City. (Prince Golez)