WebClick Tracer

NO MERCY! – Abante Tonite

NO MERCY!

Inilayo ni Jeron Teng (21) ng La Salle ang bola mula sa mahabang ga­lamay ni William Afoakwah ng UST. Iniwan ng Archers ng milya-milya ang Tigers 99-56 para maniguro ng semis slot sa UAAP 79. (Patrick Adalin)

Ipinalasap ng Ateneo ang five-game lo­sing skid sa National University via 65-50 victory kagabi sa UAAP Season LXXIX seniors men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Co­liseum.

Sa first game, hindi rin nagpakita ng awa ang De La Salle nang ilampaso ang University of Santo Tomas 99-56.

Pinana ng Green Archers ang pang-11 sunod na panalo sa gayunding dami ng laro at mani­guro na sa semifinals kasama ang twice-to-beat advantage. Kapag hindi nabangasan sa huling tatlong laro, didiretso sa championship ang mga taga-Taft.

Muling nangalabaw si Ben Mbala ng 21 points at 15 rebounds para sa La Salle. Bawat laro sa season, hindi pumalya sa pagsusumite ng double-double ang Cameroonian big man.

Nagdagdag ng 10 at 12 si Justine Baltazar sa Archers na lumayo ng hanggang 46.
Laglag sa 3-8 ang Growling Tigers, sa first round ay tinambakan din ng DLSU ng 38.

Tumikada si rookie Raffy Verano ng career-best 20 points para akayin ang Blue Eagles sa pang-anim na panalo sa 10 laro at palakasin ang kapit sa third spot.

Matindi ang naging depensa ng Ateneo, dalawang beses nilang nilimitahan sa walong puntos ang Bulldogs sa first at third quarters.

Tumulong din sa opensa ng mga taga-Katipunan sina Isaac Go at Aaron Black na may nine at seven points.

Pinamunuan ng 13 points ni J-Jay Alejandro ang NU.

NO MERCY!

Walang-awang tinambakan ng De La Salle University Green Archers ang University of Sto. Tomas Growling Tigers, 100-62, para itarak ang malinis na tatlong panalo kahapon sa Season LXXIX ng UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Muling nangalabaw si Ben Mbala ng 18 points at 16 rebounds para sa DLSU na mag-isa sa tuktok ng team standings, nagdagdag si Jeron Teng ng 13 puntos.

Pinabuka ng Green Archers ng hanggang 41 puntos ang bentahe sapat para bumanderang tapos at ipalasap sa host UST ang pangalawang kabiguan sa tatlong laro.

Lumalaban ng sabayan ang Tigers at naiiwan lang ng dalawa nang pumana ang Archers ng 33-9 pasabog tungo sa 67-41 abante 4:31 pa sa third frame.

Lalong binaon ng DLSU ang UST sa fourth, humarurot ng 18-10 run ang Taft-based squad para sa 85-51 advantage 7 minutes na lang.

Dahil sa laki ng lamang, ginamit ni DLSU coach Aldin Ayo ang kanyang bench players hanggang matapos ang laro pero mas lumaki pa ang kanilang abante.

Nagpasiklab si La Salle rookie Ricci Rivero, hiyawan ang mga fans matapos nitong isalpak ang two-handed reverse dunk.

Tumikada si Renzo Subido ng 18 points, kumana si Jon Sheriff ng 11 points para sa Growling Tigers.

Sa unang laro, nilista ng Ateneo ang 2-1 baraha nang hiyain ang defending champion FEU, 76-71, sa likod ng 17 points ni Thirdy Ravena, 10 dito sa first half. Laglag sa 1-2 ang Tamaraws na pinanguna­han ng 20 points ni Wendell Comboy.