Muling iginiit ng ilang mambabatas kahapon na wala ng pork barrel.

Binigyang-diin ni Navotas City Rep. Toby Tiangco sa isang panayam kahapon na walang pork barrel sa ikinakasang budget para sa susunod na taon.

“Wala na hong pork barrel dahil ‘yan ho ay idineklarang unconstitutional ng Supreme Court (SC),” ani Tiangco.

“Ngayon for the 2017 budget, sinabihan lang kami na ‘yung P40 milyon na infrastructure magi­ging P50 milyon. ‘Yun lang naman ang pinagkaiba, hindi ko alam kung bakit nila sinasabi na PDAF ‘yun e pareho naman ang procedure wala namang pinagbago. Yes (hanggang suggestion lang ang congressman) and it has to approved by the line agency,” dagdag nito.

Ang line agency naman umano ang nagpapa-bid at hindi naman ang congressman.