Tama lang.
Ito naman ang tugon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panukalang magpaparusa sa mga bibili ng sasakyan na wala namang garahe.
Sa pamamagitan ni MMDA Traffic Engineering Center Director Noemi Recio, sinabi nito wala siyang nakitang masama sa naturang panukala bagkus ito umano sa tingin niya ang tamang paraan upang makatulong sa pagresolba sa problema ng trapiko.
Tama lamang umano na kapag walang paradahan ay huwag nang maghangad pang magkaroon ng sasakyan dahil makakaabala lamang sa ibang tao.
“Tingin ko naman tama, kung wala kang parking, huwag ka nang mag-ambisyon na magkaroon ng sasakyan dahil makakaabala ka lang ng ibang tao,” ayon kay Recio.
Ayon pa kay Recio, mas marami ngayon ang may sasakyan ngunit wala namang paradahan kung nakaparada at nakaharang sa mga kalsada at ito ang isa sa nakadagdag ng trapik.
Dahil dito, panahon na upang mabigyan na rin ito ng lunas.
Sa panukalang isinulong sa kongreso na kilala sa tawag Proof of Parking Space Act ay pagmumultahin ng P50,000 ang mga walang parking space at ipinaparada lamang sa gilid ng kalsada ang kanilang sasakyan.
simulan talaga sa barangay at nang masampolan na.. dami din nyan sa amin.. garahe na ang harapan… nakakakunsumi na..
Pinalawak ng gobyerno ang mga lansangan lalo nasa lalawigan pero inuukupahan ng mga flat bed trucks at lahat ng klase ng sasakyan, kaya dapat lang na ipatupad ng mahigpit ang batas otherwise mawawalan ng kabuluhan ang mga road widening projects.
Pwedeng simulan ang panukala na yan thru Barangay. Tiketan ng tiketan ang bawat sasakyan na hindi nakapasok sa garahe,
madami yang mga ganyan sa aming lugar nagkakanda buhol buhol din ang trapik dahil sa mga nakaparadang sasakyan sa kalsada, lalo na pag rush hour…