No PhilHealth ID, No Benefits policy ‘di na uubra

Hindi na kailangang magpakita pa ng PhilHealth ID ang pasyenteng nagpapagamot para mapasaklaw o mapasaillalim sa benepisyo ng PhilHealth.

Ito’y base sa mga probisyong nakapaloob sa 2017 national budget.

Ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto, ang pagtanggal ng “No PhilHealth ID, No benefits” policy ay isa lamang sa mga probisyong isinulong ng Senado upang masiguro ang universal health coverage.

“In the attainment of universal coverage, no Filipino, whether a PhilHealth member or not, shall be denied of PhilHealth benefits. PhilHealth identification card is not necessary in the availment of benefits,” ayon kay Recto.

Naging kalakaran na sa mga pagamutan ang panghihingi nito ng PhilHealth ID sa mga pasyente upang mapasailalim sa benepisyo.

Ngunit sa 2017 General Appropriations Bill na nakatakdang pipirmahan ng Pangulo bago matapos ang taon ay hindi na ito uubra at hindi na ipapatupad pa.