Lifted na ang suspension ng direct hiring processing ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), alinsunod sa utos ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang suspension ay ikinasa noong nakaraang buwan upang matigil ang operasyon ng isang grupo ng fixers sa loob mismo ng POEA.
Hanggang P17,000 daw ang hinihingi ng fixers sa gustong ma-exempt sa direct hiring ban.
Ipinagbabawal ng gobyerno ang direct hiring ng OFWs ngunit ito ay pinapayagan sa ilang kategorya ng mga manggagawa o mga empleyado ng diplomats, international organizations at professional na may authenticated contracts.
Resolved na?
Sa pag-lift ng DOLE ng suspension sa processing ng POEA sa direct hires, it may be assumed na na-resolve na ang isyu ng fixers sa POEA.
Napalayas na ba ang mga nasabing fixers na sinasabing naglipana sa POEA? Kung hindi pa, ano ang kasiguruhan na walang padulasan na mangyayari uli sa pag-apruba ng direct hire applications.
Ang processing ng direct hires ay dati nang isinasagawa ng POEA, partikular ng name-hire processing unit nito. NHPU in contrast sa agency hires, mismong ang would-be direct hires ang naglalakad ng mga papeles nila sa NHPU dahil hindi nga sila gumagamit ng serbisyo ng POEA-licensed agencies.
There is a place for direct hires in the overall scheme of OFW deployment, so it is a welcome news that the suspension is lifted.
Still, dapat pa ring masalang mabuti ang prospective employers ng direct hires kaya hindi dapat mabahiran ng corruption o maglipana ang fixers sa POEA.
Ang tanong, ano pa kayang operation ng POEA ang maaaring pinasukan na rin ng fixers?
Housecleaning
Sa tingin natin ay dapat magsagawa ng top-to-bottom housecleaning hindi lang sa POEA kundi sa lahat ng agencies na may kinalaman sa OFWS tulad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
This way ay mare-realize ang utos ni President Duterte na padaliin ang processing ng mga requirement ng OFWs at mabigyan sila ng mas magandang serbisyo.
Come follow me on twitter @beeslist or call 551-5163 or e-mail usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.