No second wedding bells para kay Senador Grace Poe at asawang si Teodoro Misael ‘Niel’ Llamanzares.

Ito ang paglilinaw ng senadora nang usisain matapos ang naging proposal sa kanya ng asawa noong ­nakaraang Linggo kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-26 anibersaryo,

“Walang wedding. Nag-affirm lang siya,” naka­ngiting pahayag ni Poe.

Kuwento pa ng senadora, ginawa lamang umano ng asawa niya ang naturang proposal bilang pagpa­patibay ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa at ini­habol lamang umano ang singsing na dapat ibinigay sana sa kanya noong nagdiriwang sila ng 25 years.

Biro pa ng senadora, hindi na kailangang magkaroon ng pormal na renewal of vows dahil “araw-araw naman ay renewal of vows”.

2 Responses

  1. Dapat alamin kung US citizen pa ang asawa at mga anak. Natatandaan niyo na naging issue noon ito sa halalan. Ngayon natalo si Grace, hindi na ba talagang US citizen sila?