Nobenta anyos na: Eddie ayaw magpa-double

Pinabulaanan ni Philip Salvador na inatake sa puso ang respetado at veteran actor na si Eddie Garcia tulad ng unang napabalita last Sa-turday.

Sa video na in-upload ni Robin Padilla kahapon ay makikita in action ang nangyari kay Manoy Eddie, the same video na nag-viral kahapon sa internet. Dito ay kitang-kita na natalisod ang 90-year old actor sa isang kable habang kinukunan ang eksena sa seryeng Rosang Agimat ng GMA-7.

Habang pine-play ang video ay may voice-over si Kuya Ipe (tawag kay Phillip sa showbiz) na pinapabulaanan ang naunang balita at maya-maya ay humarap din siya sa ca-mera after the video has been played.

Simula ni Kuya Ipe, nadisgrasya raw si tito Eddie at hindi inatake sa puso.
“Dun po sa lahat ng mga fan niya, sa mga followers niya, hindi po siya inatake. Mahusay po at matibay ang puso ni Eddie Garcia.

“Nadisgrasya po siya, naaksidente po siya. Sumabit po ang paa niya sa cable. Siya po ay 90 years old so hindi po siya nakabalanse.

“Bumagsak po siya at hindi po maganda ang kanyang pagbagsak. Hindi po siya inatake kagaya ng inyong mga narinig,” pahayag ni Kuya Ipe.

Ayon pa sa aktor, nakakabilib nga raw si Manoy Eddie dahil hindi ito nagpa-double.

‘Bilib po kami kay Eddie Garcia dahil ayaw ho niya magpa-double, nobenta anyos na ho siya,” ani Kuya Ipe.

Sa huli ay hu-mingi ng dasal ang aktor para kay tito Eddie.

“Hinihiling po namin sa inyo nga-yon, dasal para sa ating isa pang hari ng pelikulang Pilipino na si Eddie Garcia,” saad ni Kuya Ipe.

Kahapon ay nagbigay na rin ng official statement ang GMA-7 tungkol sa nangyari.

“The video of Mr. Eddie Garcia faltering in his steps and eventually collap-sing has reached GMA. We are seriously reviewing the said video as well as other videos of the same scene which our cameras also took before we make any conclusions on what really transpired.

“The statement that was released earlier was given to GMA News by Nick, Mr. Eddie Garcia’s stepson.

“We will wait for the family or their doctor to issue a formal update on his condition. Meanwhile, we continue to pray for his quick recovery,” ang nilalaman ng official statement ng GMA network.
***

Barbie binira sa pag-RIP kay Manoy

Hindi na namin nakita ang tweet ni Barbie Imperial kung saan ay sinasabi niya na yumao na si tito Eddie. Tila binura na agad ito ng young actress upon learning na mali ang kanyang tweet dahil buhay na buhay pa ang veteran actor.

Pero nakunan na ito ng screenshot ng iba at sa Facebook post nga ng kasamahan sa hanapbuhay na si Dindo Balares namin nakita ang tweet ni Barbie.

“It has always been my dream to work with the one and only Ora-gon, Mr. Eddie Garcia. It’s so sad that he passed away. Rest in peace po sir, you are my inspiration. Truly an oragon,” ito ang nakasaad sa screenshot ng tweet ni Barbie.

We checked Barbie’s Twitter account and same profile picture ng nasa screenshot na ipinost ni kapatid na Dindo ang legit account ng young actress since mayroon itong verified check. ‘Yun nga lang, wala na ang tweet niya about tito Eddie.

Sa comments section ng post ni Dindo ay nilait-lait si Barbie ng mga taga-showbiz. Bilang isang artista pa naman, dapat daw ay tsine-check munang maigi ang facts bago mag-post na agree naman kami.

Ayon naman sa isang blogger na nakapansin din na binura na Barbie ang tweet, dapat daw ay mag-apologize ang young actress for misinforming the public. Agree rin kami.

Hindi sapat ‘yung pag-delete lang ng tweet, dapat talagang mag-apologize siya kung totoong nag-tweet nga siya ng ganu’n dahil matinding pagkakamali naman talaga ‘yun.