Tiniyak ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na bago matapos ang buwan ng Mayo ay made­desisyunan na ang kaso ni Supt. Maria Cristina Nobleza na inaresto kasama ang sinasabing asawang Abu Sayyaf bomb maker member na si Reenour Lou Dongon.

Ito ang siniguro ni PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, na nagsabing nakatakda nang desisyunan ang kaso ni Nobleza at sa darating na Biyernes ay isasampa na ang kaso.

Sinabi pa ni Triambulo na sa susunod na linggo naman pagsusumitehin si Nobleza na counter affidavit kaugnay sa kinakaharap na kaso.

Nilinaw ni Triambulo na nakasentro sa conduct unbecoming of an officer ang kasong administratibong isasampa laban kay Nobleza dahil sa kaugna­yan nito kay Dongon.

Dito, malaki ang teorya ni Triambulo na may posibilidad na tuluyan nang masibak sa serbisyo si Nobleza dahil sa bigat ng kasong kinakaharap na konektado sa bandidong grupo itinuturing na mahigpit na kalaban ng pamahalaan.

2 Responses

  1. sus!!! PULIS yan !!!!kaso daw???? nek-nek nyo!!!! wag na kayong magpaPOGI,,,PNP,,namamaho na kayo!!! at nagpapagod lang kayo…ipaPAROLADO lang ni DUTERTE yan! at ipoPROMOTE ni BATO…kayo-kayo na lang magLokohan dyan!!!