ANG Respeto, Kiko Boksingero, Bagahe at Baconaua ang multiple Balanghai trophy winners sa Cinemalaya 13.

Sa tatlong pelikula ibi­nigay ang major acting at technical awards.

Sa acting categories, Balanghai virgins no more sina Noel Comia Jr. (best actor, Kiko Boksingero), Angeli Ba­yani (best actress, Bagahe), Dido dela Paz (best supporting actor, Respeto) at Yayo Aguila (best supporting actress, Kiko Boksingero).

***

Angeli Bayani
Angeli Bayani

Hindi masyadong naghanda si Angeli sa kanyang outfit na white top, with inverted bell skirt at oversized pearl necklace at mala-break down scene ang acceptance speech niya.

Ang agaw-eksena na hindi sinasadya ang muntik na niyang pagbangga sa mic, ang nagwaging best screenplay, si Zig Dulay na panalo ang hair parted sa gitna and tied like a beauty queen bun.

Best in off-shoulder peasant dress si Chai Fonacier. Puti rin ang suot ni Therese Malvar.

Ecru ang power dress na “bukas ang likod ko, hindi ako takot sa pulmonya” ni Angel Aquino.

Si Elora Espano, naka-blue debutante cut gown na may shining, shimmering and splendid accent.

Ang nakaka-tumbling na outfit, ang suot ni Ms. Flor Salanga na very pam-principal for an all girls look ang garb.

***

Yayo Aguila
Yayo Aguila

Apat na pelikula ang ni isang tropeo walang inuwi.

Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa, dahil ang direktor nitong si Perry Escaño ay tinawag na direktor na hindi marunong magdirek, inaasahan ko na wala talagang iuuwi.

Kasi nga, “worst” ito ayon sa mga kritiko pero sa mga gurong pinanood ito, they were raving about it at hinihikayat ang kanilang mga kapwa guro at mga mag-aaral na panoorin ito.

Ano ang tawag sa iba pang luhaan sa balanghai trophies?

Ang Pamilyang Di Lumuluha na kakabagan ka lang pero walang sustanya.

Requited na walang katapusan ang pagbibisikleta tapos may ‘di sinasadyang matapos ang buhay.

Sa Gabing Nanahimik Ang Mga Kuliglig na tila mas inalagaan ang camera angles kesa ang character development?

Sila ba ay masama lang? Mas masama lamang? O pantay-pantay silang lahat, apat na sa pinakamasama dahil totally snubbed ang kanilang blood, tears, sweat, efforts at finances at walang bearing ang lahat ng mga ito para sa mga hurado?

***

Si Superstar Nora Aunor, sa Hustisya, unang sali sa Cinemalaya. wagi agad. Best actress lang naman ang inuwi.

Hindi nagpakabog ang Star for All Seasons, si Vilma Santos, tagum­pay bilang pinakamahusay na aktres sa Extra.

Eh si Sharon Cuneta, sino ang maysala at hindi siya nagwagi sa kanyang first try?

Ang direktor ba niyang si Mes de Guzman o ang materyal ba na sinulat nito para kay Ate Mega?

Naglulupasay sa semento at ngawa kete ngawa ang Megastar sa kanyang mga pang-golpe de gulat finale scenes, ipinagkait sa kanya ang Balanghai.

Sino ang may problema?Alangan naman ang mga hurado.

Hindi kaya dahil big­lang naging out-of-character si Sharon bilang Cora sa nakakapagod niyang pagngalngal at tila hindi rin tunay na tao si Cora at ang kanyang yaya?

Prangkahan na, pahiyang-pahiya ang nagsusulong at nanalig na p’wedeng tanghaling pinakamahusay na aktres si Sharon.

Bilang Sharonian, sa ginawa niya sa Lumuluha, it was no way near sa brillo at husay na pinakita at pinadama niya sa Madrasta, Nang Iniwan Mo Ako, at Crying Ladies.

Kaya kahit Sharonian ako, alam kong hindi niya ikapapanalo sa Cinemalaya si Cora dahil she was just going through the motion, she did enjoy her screen time pero para maging best actress, hindi pa.

Susunod, merito ang tignan. ‘Wag maging faney na bulag sa katotohanan.

***

Ang pinakamalaking pagsubok sa ngayon ay kung magiging interesado ba ang mga Pinoy na sumugod sa sinehan at panoorin ang mga pelikulang kalahok sa PPP.

Parang ang Birdshot, 100 Tula Para kay Stella, Bar Boys, Ang Manananggal sa Unit 23B at Pauwi Na ang kahit paano eh may public awareness .

May publicity efforts for these movies.

Kumusta ‘yung sa iba? Sila-sila na lang ang manonood at mag-aabala na maramdaman sila?

Kasi naman, parang mas marami pang pralala at interviews ang nagpasimuno sa PPP kesa sa mga pelikulang kasali, huh?!