NI: ALWIN IGNACIO

Up in arms ang mga supporter ni Pasig Mayor Vico Sotto at ang dahilan kung bakit sila poot na poot, ang pasaring ni Noli de Castro.

Dahil nga nakiusap si Sotto sa national government na kung maari, pagbigyan ang kanyang nasa na ang mga tricycle sa Pasig eh payagang bumiyahe, kumuda ang matandang news reader na: “Baka hindi niya alam na bawal ang public transpo.”

Dahil sa kanyang sinatsat, todo bashing at hating ang tinatanggap niya sa mga netizen. Ang pinaka-grabe ay ang mungkahi na siya ay tanggalin na umano sa newscast dahil tila detached na siya sa katotohanan. Ipinalalabas niyang hindi alam ng butihing alkalde ng Pasig ang kanyang ginagawa sa kanyang kinasasakupan.

Pero ayaw pumatol ni Mayor Vico. Sa serbisyo at trabaho lang talaga ang focus niya kahit pa nga halatang-halata na concentrated ang efforts to pin the good gentleman down. Wala siyang panahon sa troll armies and farms na siyang panlaban at pambola sa ayaw na mag-isip.

May isang FB post na attributed kay Vico: “If you strike me down, I shall become more powerful than you can possibly imagine.”

Wow! Kung sa kanya nga galing ito, dapat ngang kabahan ang naghaharing uri dahil this gentle Jedi from Pasig City obviously knows the art of war.