SEOUL — Pormal nang bumaba bilang chairman si Robert Non ng San Miguel Beer na pinalitan ni Mikee Romero ng Global Port sa 42nd season ng PBA.

Pinakamalaki sa achievements ni Non ay ang nagawa niyang pag-isahin ang board sa pagsuporta sa Gilas national team.

“Nagawa kong pag-isahin ang board para sa iisang layunin na suportahan ng todo ang Gilas cadet program,” sabi ni Non.

Dati, hindi nagkaka-unawaan ang mga miyembro ng board sa pag-draft sa mga PBA player na inaasahang mapapasama sa Gilas pool.

Nakita rin sa patnubay ni Non ang kauna-unahang babae na nag-referee sa PBA at ang women’s 3-on-3 na sa susunod na season ay magiging limahan na.

Unang naitalagang chairman si Non noong 2013 habang nasa Ginebra pa siya, pero naudlot dahil sa sakit at ipinagpatuloy nitong 2015.