Non-performing CoP sibakin

Lahat talaga ng paraan­ ay ginagawa ng ­Philippine National ­Police (PNP) ­para masawata ang iligal na droga sa ating bansa.

Bukod sa tuluy-tuloy­ na anti-illegal drug ope­rations ay nakatutok din ang liderato ng PNP sa performance ng mga chief of police ng iba’t ibang kapulisan sa ating bansa kung nakakatugon ba sila sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ang mga walang ­kakayahang chief of ­police (CoP) na labanan­ ang problema sa iligal na droga sa kanilang nasa­sakupan ay sibakin sa ­puwesto.

Sa katunayan, muk­hang magbubuwena-mano sa sibakang ipatutupad ng PNP ay ang mga CoP sa Bicol Region.

Sabi sa ulat, aabot daw sa mahigit 20 CoP sa Bicol Region ang nanga­nganib na matanggal sa puwesto dahil sa pagkukulang sa anti-drug campaign ng kapulisan.

Ang mga sisibaking CoP ay mga hindi nagpamalas ng magandang performance pagdating sa operasyon laban sa iligal na droga at pagkukulang sa programa ng PNP na Oplan Tokhang na l­umilipol sa mga sangkot sa iligal na droga.

Saludo tayo sa hakba­nging ito ng PNP, ang mga hepe ng bawat istasyon o presinto ang dapat tala­gang managot sa kanilang nasasakupan.

Kung matino ang binabantayang distrito o presinto aba’y ibig sabihin nito ay may K ang ­pinuno rito. Pero kung wala tala­gang kakayahang­ sawatain ang problema sa iligal na droga ay hindi­ na dapat pang pinatatagal sa puwesto dahil baka ­maging bahagi pa ito ng pagpapalawak sa operas­yon ng sindikato ng iligal na droga.

Ang suhestyon ko lang bakit hindi gawing­ regular ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagsukat sa performance ng mga chief of police sa buong bansa upang sa gayon ay agad na matukoy kung sino ang dapat at hindi dapat na mamuno at palitan ng mas karapat-dapat na CoP.

Epektibo rin itong paraan para maramdaman­ ang maigting na suporta­ sa drug campaign ng kasalukuyang administras­yon.